Jun Lozada, Actor or Witness?
|
| |
Manila, Philippines, KINUNDINA ni Marikina City Rep. Marcelino Teodoro, ang umano'y madramang pananatili ni broadband deal witness Rodolfo “Jun” Lozada sa kanyang selda sa Manila Police District.
Ayon pa kay Teodoro tanging P6,000 lamang ang kinakailangan ni Lozada para makalaya ito, at hindi na umano kinakailangan pa ang mga hakbangin o pamaraaan ng pagpapalaya sa kanya para lamang mapalabas na martir si Lozada.
Naniniwala ang kongresista na hindi umano na makakatulong sa taumbayan ang mala-teleseryeng pagganap ni Lozada, bagkus magdudulot lamang umano ito ng hindi magandang pagtingin sa Pilipinas.
“Let us not fall prey to an over dramatization of the court verdict, the judicious resolution to his perjury verdict is simply bailing himself and appealing to the higher court,” ani Teodoro.
Hamon naman ng kongresista, imbes na magmistulang teatro ang pagdinig sa kanyang kaso, magpakalalaki na lamang nitong harapin ang kanyang kaso, at tigilan na ang pagpapalaki sa isyu para lamang udyokan ang publiko.
Suportado naman ni Bukidnon Rep. Teofisto Guingona III, na papaulat na nangangarap na mapabilang sa 24 na seandor, na malaking halibawa umano si Lozada, na sino mang kumakalaban sa Gobyerno ng Pilipinas, kung hindi napaparusahan ay pinatatahimik.
"The continued persecution of Jun Lozada is a clear indication that the Arroyo administration will stop at nothing to make life very difficult for those who dare go against them. This wanton display of abuse of power is simply deplorable,” giit ni Guingona.
Sinabi naman nina Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villanueva at Gabriela Rep. Luzviminda C. Illagan, ang pagkakaaresto kay Lozada, pinarating umano ng pangyayari ito, sa buong bansa ang umano'y pag-ka-corrupt ng Arroyo goverment.
“He is only protesting about government’s harassment against him. He is the victim of injustice but he is now the one being crucified,” saad ni Villanueva.
“The arrest of Jun Lozada is politically motivated. He had the temerity to expose the brazen corruption in the government. He is in possession of information that points to the immoderate greed of the First Family. Is this how we treat whistleblowers who have the courage to expose corruption? He is a threat to be silenced.” ayon naman kay Illagan.
Sa ngayon si Lozada ya nahaharap sa kasong perjury na sinampa ni former presidential chief of staff Michael Defensor, matapos niyang mabanggit si Defensor sa ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hearing sa NBN-ZTE controversy, na umano'y nag-udyok sa kanyang magpatawag ng press conference at sabihing hindi siya kinidnap.(JoMa)
|
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
|