P16 bilyon masdapat ilaan sa pagsasaayos ng Hospital at hindi sa H1N1 - Rep. Biazon
|
| |
HINDI kumbinsido ang isang kongresista na igugol lamang sa paglaban sa A(H1N1) ang hinihiling na P16 bilyon na pondo ng Department of Health.
Bagkus, minungkahi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na gamit ang nasabing pondo sa pagsasaayos ng Hospital ng DOH at maging ng mga laborotoryo nito, bilang paghahanda sa mga darating pang pandemic sa bansa.
“I think the 16 billion proposed budget of the DOH to counteract AH1N1 would be better spent on capability upgrading of DOH hospitals and Laboratories to prepare for the next pandemic,” Ani Biazon.
Malaki ang paniniwala ng Kongresista na masmapapakinabangan ng 90 milyong Pilipino ang P16bilyon pondo na hinihiling ng ahensya sa pamamagitan ng pinaunlad na pasilidad ng Health Department laban sa lahat ng uri ng sakit, kumpara sa 400,000 katao na mababakunahan laban sa H1N1.
“P16 billion will go a long way in serving more of the 90 million Filipinos through upgraded health facilities than the 400,000 people which will vaccinated,” dagdag pa nito.
Batay sa ulat ng World Health Organization(WHO) Phillipines ng July 3, na sa Phase 6 na ang pandemic alert sa H1N1.
Tinatayan naman na umaabot nasa 1,709 ang kaso ng H1N1 sa bansa, haban 10,537 na kaso ang naitala ng WHO sa western Pacific Countries mula sa 9,242.
Sa kabuoan na sa 78,049 na ang kaso ng H1N1 sa may 120 bansang apektado ng sakit, habang 332 dito ang namatay na.
|
| |
JDV pinagdadasal ang Pangulong Arroyo na wag magdeklara ng martial law
|
| |
MATINDING pananalangin umano ang ginagawa ng napatalsik ng Speker ng Kamara na si Panggasinan Rep. Jose de Venecia Jr. sa Diyos, upang iwan na umano ng pangulong Arroyo ang posibilidad na isailalim sa emergency rule ang bansa o sa pamamagitan ng Martial rule dahil sa mga insidente ng pagpapasabog sa bansa.
Ayon kay De Venecia ang pagdedeklara ng emergency rule ay pagpapatuloy lamang umano ng pagdedeklara ng Martial Law na siyang magpapabagsak sa demokrasya natatamo ngayon ngmga Pilipino.
“I am praying to the lord that our President will be enlightened na hindi siya papayag na gagawin iyun (emergency rule and Martial Law). We will be back to square one and could be back to zero, ano ang mangyayari sa Pilipinas?” ani De Venecia sa isang pahayag sa radio.
Na una ng pinabulaanan ni House speaker Prospero Nograles na magdedeklara ng martial law ang pangulong arroyo.
Nanagawagan din ito sa mga kritiko ng pangulong Arroyo na wag takutin ang taumbayan sa papamamagitan ng panghuhula sa mga iniisip ng Pangulo.
“They (critics) should not try to read the mind of the President; because they always read what they see is all negative. Whatever the President does, they are always on the other side, always in contradiction with all her policies,” pahayag pa ni Nograles. “My advice to them is, do not scare our people without factual basis.”
Ibinahagi din ni De Venecia ang kanyang hinala na ang militar ang nasa likod ng mga pagpapasabog sa Metro Manila upang takutin ang mga Pilipino, na kahantulad na pangyayari umano noon bago magdeklara ng martial law ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“Kung Abu Sayyaf ang naglagay ng bomba, marami ang namamatay. Ibig sabihin, these are self-planted bombs to create an atmosphere for a possible declaration of Martial law. I pray to God na sana hindi mangyayari ito,” ani Venecia.
Sa ilalim ng 1987 constitustion, may kakayanan ang Kongreso at Senado na hadlangan ang posibilidad na pagdedeklara ng Pangulo ng Martial Law. Pero ang pangamba ni De Venecia na sa ilalim umano ng kapangyarihan ng palasyo ang Kongreso.
|
| |
Bombing incident sa Cotabato City kagagawan ng Demonyo
|
| |
“They are the devils in disguise.”
Ito ang tawag ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino sa grupong nasa likod ng pagpapasabog sa Cotabato City na kinasawi ng lima at kinasugat ng 38 katao.
Nanawagan din ang Kongresista sa pamahalaan na gamitin ang lahat ng paraan upang maparusahan ang teroristang grupong nasa likod ng pagpapasabog.
“ The government should step up efforts against these incidents but these are insidious characters” ani Antonino Pinag-iingat naman ni Cavite 1st Dist. Rep. Joseph Emilio Abaya ang mamayan, lalo na’t hindi pa natutukoy kung sino ang nasalikod ng insidente.
“We should remain vigilant. We are not quiet sure who are the perpetrators” pahayag ni Abaya.
Pero kung si Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Liza Maza ang tatanungin, mistulang batid na ng kongresista kung sino ang nasa likod ng mga pagpapasabog, hindi lamang sa Cotabato City, maging sa Metro Manila.
“We do not want to think that these strings of bomb-related incidents are being orchestrated as a prelude for Malacanang to declare a State of Emergency and prolong Arroyo’s stay beyond 2010,” dagdag pa nito, “The safety of our people should never be used as a "collateral damage" to serve for the power-hungry,.”
Pinaalalahan din ng Mambabatas ang Pangulong Gloria Arroyo na hindi umano na magagamit ng palasyo ang isyu ng bombing incident sa bansa, upang mauwi sa pagdedeklara ng martial law.
“PGMA and her allies should be reminded that the Filipino people will never allow any form of Martial rule and any scheme to perpetuate herself further in power,” giit ni Maza.
binalaan naman ng Gabriela solon ang autoridad na huwag basta magturo sa mga rebeldeng muslim, na lalo lamang umanong magpapalala sa sitwasyon.
Matatandaan na maliban sa Cotabato City na una ng nagkaroon ng insidente ng pagpapasabog sa Office of the Ombudsman sa Quezon City at natagpuang C-4 bombs sa Department of Agriculture at sa laban ng condominium building sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City.
|
| |
Automated at Manual Elections dapat paghandaan - solon
|
| |
Sakabila na nagkasundo na ang Total Information Management (TIM) at Smartmatic International, nais parin ni Senate President Juan Ponce Enrile na paghandaan ng Comelec ang manual elections.
Dahil dito, tamang hinala ngayon si Bayan muna Partylist rep. Satur Ocampo kay Enrile na may nalalaman ang senador tungkol sa automated elections, kung bakit minamadali at sinisigurado na nakahanda ang Comelec sa manual eleksyon.
“If that were his advice to Comelec, Enrile obviously is not confident the automation project would succeed in its objective,” pagbibigay diin pa ni Ocampo, “He may know something that impels him to urge preparation for manual voting.”
Sang-ayon naman si CIBAC party list Rep. Cinchona Cruz-Gonzales sa mungkahi ni Enrile, na parehong paghandaan ng comelec ang Manual at automated elections.
Mandato aniya ng Commission on Election(Comelec) na tiyakin na matuloy ang 2010 eleksyon sa pamamagitan sa paghahanda sa dalawang paraan.
“I agree with Senate President Juan Ponce Enrile. The Comelec has to be prepared for both manual and automated election. It is their duty and mandate to make sure that we will have a free, honest and credible 2010 elections” ani Cruz-Gozales.
Suportado man ng author ng poll automation law na si Makati Rep. Teodoro Locsin Jr. ang munkahi ni Enrile, ganun paman, matagal na aniya na sa batas ang manual election.
Pero naniniwala ang mambabatas na isa itong mahusay na idea, upang matiyak na matutuloy ang eleksyon sa 2010.
“Nasa batas na iyan (manual counting)” dagdag pa ni Locsin, “That is a brilliant idea.”
Pero kung si Ocampo ang tatanungin, duda siya na magagampanan ng Comelec ang manual at automated elections, ganun parehong gagastusan ng commission ang dalawang paraan para sa halalan.
“But can the Comelec do both tasks at the same time?” tanong ni Ocampo.
|
| |
| |
| |
|